Tag-init matatapos na-PAGASA
MANILA, Philippines - Matatapos na rin ang sobrang init ng panahon na nararanasan ng mga Pinoy sa bansa laluna sa Metro Manila dahil papasok na ang panahon ng tag- ulan sa susunod na buwan ng Hunyo.
Ayon sa Aldczar Aurelio, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil unti-unti nang nalulusaw ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa .
Gayunman, sinabi ni Aurelio na hindi nila malaman kung anung araw sa Hunyo papasok ang tag ulan pero sigurado itong sa susunod na buwan na. Nitong nakaraang Mayo 19, naitala ang pinaka mainit na panahon sa Metro Manila na may 37.3 degrees Celsius
Una nang sinabi ni PAG ASA chief Prisco Nilo na ang ahensiya ay naghahanda na ngayon pa lamang upang mapaghandaan ang panahon ng tag ulan na inaasahang papasok pa ang La Niña o maulang panahon.
Pinayuhan na ni Nilo ang mga LGUna magpatupad na rin ng kanilang mga contingency measures.
- Latest
- Trending