^

Bansa

PNP off-limits sa hinakot na ballot boxes ni Tinga

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Matapos umanong puwersahang ipahakot ng kampo ni outgoing Taguig Mayor Freddie Tinga ang mga ballot boxes mula sa Taguig City Hall Plaza papunta sa City Hall auditorium, mismong mga pulis ay ipinagbawal na din umanong magbantay ng mga ballot boxes.

Sinasabing hindi na rin pinapasok sa auditorium ang mga pulis na ipinadala ni Taguig City Police Chief Col. Camilo Cascolan upang magbantay. 

Maging ang mga watchers ni Mayor-elect Maria Laarni “Lani” Cayetano, na tumalo kay former Supreme Court Justice Dante Tinga, ama ni outgoing mayor Freddie, ay ayaw ding papasukin.

Matatandaang inilipat ng City Treasurer’s office sa pangunguna ni OIC treasurer Teresita Elias ang mga ballot boxes mula sa plaza ng City Hall papunta sa City Hall Auditorium. May 370 ballot boxes ang nasa kamay ni Elias na asawa ni Vice Mayor-elect George Elias. Ang mga Elias ay al­yado umano sa mga Tinga. 

Ang ilan sa mga ballot boxes na bukas na at wala ng padlock ay ang ballot box 102, 98, 99, 38, 46, 51, 123, at 53.

“Walang kaduda-duda na si OIC treasurer Mrs. Teresita Elias ay kakampi ng mga Tinga dahil ang asawa nito ay si vice mayor George Elias. Ang pwersahang pag­lipat ng mga ballot boxes na walang pahintulot ng Come­lec ay lantarang conflict of interest. Di kami kayang dayain sa election returns kaya ang pinag-iinitan na ay ang ballot boxes, “ pahayag ni Team Cayetano spokesman at three-term councilor Noel Dizon.

Dagdag pa ni Dizon, malamang na patong patong na kaso ang abutin ni Mrs. Elias, outgoing Mayor Freddie, Vice-Mayor Elias, at kung sinu-sino pang mapapatunayan na may kaugnayan sa tangkang pagmaniobra ng ballot boxes at mga nilalaman nito.

vuukle comment

BALLOT

BOXES

CAMILO CASCOLAN

CITY HALL

CITY HALL AUDITORIUM

CITY TREASURER

ELIAS

GEORGE ELIAS

MARIA LAARNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with