Comelec officials na sangkot sa 'dayaan' parusahan - Nene

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Q. Pimentel, Jr. sa Commission on Elections na patawan ng parusa ang mga opisyal at empleyado nito na sangkot sa anomalya sa nakaraang automated elections.

Ayon kay Pimentel, dapat na ring isantabi ng Comelec ang nakagawian nito na isantabi ang mga reklamong may kinalaman sa dayaan upang hindi tuluyang mawala ang tiwala ng publiko sa nasabing institusyon.

Ikinadismaya ng se­nador ang naging paghawak ng Comelec at PPCRV sa reklamo nang pagtatapon ng 16 na sako ng election materials, kabilang na ang mga compact flash cards, memory cards, election returns at official ballots sa isang dumpsite at junk shop sa Cagayan de Oro dalawang araw pagkatapos ng Mayo 10 election.

Ayon pa sa senador, sa halip na magsagawa ng isang malawakang imbestigasyon ang Comelec ay binibigyang katuwiran pa ang pagtatapon ng mga election materials.

Show comments