MANILA, Philippines - Naghahanda na ang PAGASA sa pagpasok ng La Nina phenomenon o maulang panahon.
Sinabi ni PAGASA chief Prisco Nilo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa National Disaster Coordinating Council para ngayon pa lamang ay maghanda na sa inaasahang pagpasok sa bansa ng La Nina upang maibsan ang epektong dulot nito sa kalusugan at kabuhayan ng taumbayan.
Batay sa kanilang nakuhang data, may 35 percent probability na makapasok ang La Niña sa third quarter o mula Hulyo–Agosto hanggang Setyembre ng taong ito.