Verzosa mangha-hunting sa Africa
MANILA, Philippines - Mula sa pagiging super crime buster, mangha-hunting ng mga ligaw na hayop sa jungle country na Africa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jesus Verzosa.
Ito ang nabatid sa gitna na rin ng pinag-uusapang mainit na isyu ng ‘courtesy resignation’ ni Verzosa na isusumite nito sa proklamasyon ni presidential frontrunner Noynoy Aquino sa darating na Hunyo 30.
Ayon kay Verzosa, ngayon pa lamang ay nakaplano na sa kaniyang mga aktibidad ang pagbabakasyon sa Namibia, Africa sa kaniyang pagreretiro sa serbisyo.
Si Verzosa ay nakatakdang magretiro sa darating na Disyembre 25 pagsapit ng kaniyang ika-56 kaarawan na siyang mandatory ‘age retirement‘ sa PNP.
Sinabi ni Verzosa na likas talaga siyang mahilig sa kalikasan at mang-hanting ng ligaw na hayop na itinuturing niyang magandang ‘adventure’ lalo pa nga at malapit na siyang magretiro at mabilis ang takbo ng panahon.
“Eversince naman, mahilig na talaga akong mag-hunting ng wild animals,” ani Verzosa na mahilig ding mag-ehersisyo at mag–scuba diving upang maging physically fit sa serbisyo gayundin maging role model sa kaniyang mga subordinates.
Bukod sa Namibia, plano rin niyang magbakasyon sa Australia.
- Latest
- Trending