'Tindahan ni Aling Puring' hatid ay tulong-negosyo at kasayahan
MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Puregold na mapupuno ng kaalaman sa pagnenegosyo at kasayahan ang lahat ng miembro at hindi miembro na lalahok sa ikalimang taong kumbensyon ng “Ang Tindahan ni Aling Puring” kung saan inilulunsad ang pantulong–negosyo sa mga Pilipino.
Ang papalapit na kumbensyon ay isasagawa sa Mayo 26-29, mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa World Trade Center na may temang “Puregold Sari-Sari Republic, Isang Bayan para sa Asensong Kabuhayan.”
Sa pagtitipong ito ay magkakaroon ng mga kabuhayan sessions at seminars na makakatulong sa pagpapalago ng negosyo para sa mga miyembro, meron ding mga product samplings, raffle promos at pamimigay ng mga give-aways bukod pa dito ang paglalatag ng iba’t ibang produkto na mabibili sa murang halaga.
Apat na araw ang kumbensyon para sa taong ito kung saan ang unang dalawang araw ay nakalaan lamang sa may 150,000 aktibong miembro ng “Ang Tindahan ni Aling Puring” at ang nalalabing dalawang araw ay magiging bukas para sa publiko.
Layunin ng taunang kumbensyon, isa sa mga pangunahing programa ng Puregold ang mabigyan ng pagkakataon ang mga miembro ng Aling Puring Ka-Asenso na maranasan ang pagsasaya, habang nadaragdagan ang mga kaalaman ukol sa pagnenegosyo.
Maging ang mga pangunahung tagapagtaguyod ng kumbensyon sa taong ito na Nestle, Procter & Gamble, Unilever, Kraft Foods Philippines at URC ay magbibigay ng mga Negosyo Tips.
- Latest
- Trending