Nakumpiskang isda ng BFAR, pinamahagi sa ospital, kulungan at police stations
MANILA, Philippines - Ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nakumpiskang isang toneladang isda sa ospital, kulungan at tanggapan ng pulisya sa Baler, Aurora.
Ayon kay BFAR Director Malcolm I. Sarmiento, Jr., ang mga samu’t saring isda ay mula sa CT4-1750, isang Taiwanese fishing vessel na nahuling iligal na nangingisda sa coastal waters malapit sa Baler matapos makipaghabulan sa mga elemento ng Philippine Coast Guard na sakay ng BFAR MCS 3010 sa Diapitan Bay hanggang Casapsapan Bay noong nakaraang linggo.
Nasa pangangalaga ng local prosecutor’s office ang dalawang fishing boats na sinakyan ng mga kumpiskadong isda habang ang kapitan at crew na binubuo ng mga Taiwanese at Indonesians ay nakakulong ngayon sa Aurora Provincial Jail. Bukod sa kulong, ang mga dayuhan ay may multang hindi hihigit sa $200,000 dahil sa illegal na pagpasok sa karagatan ng Pilipinas.
- Latest
- Trending