^

Bansa

Chinese illegal recruiter nasa BI blacklist

- Ni BQ -

MANILA, Philippines - Inilagay ng Bureau of Immigration sa blacklist ang isang Chinese national na sangkot sa illegal recruitment at pagpapadala ng OFWs sa Hongkong.

Sa utos ni BI Commissioner Marcelino Libanan, inilagay sa immigration blacklist si Zhu Zhun Guang, 35, na nagmula sa Fujian, China.

Inilabas ni Libanan ang utos matapos mabatid sa Department of Foreign Affairs ang aktibidad ng illegal recruiter.

Sinabi ni DFA Assistant Secretary Jaime Ledda na illegal na nagre-recruit si Guang ng mga Pilipino para magtra­baho sa Hong­kong nang walang tamang documentation.

Ang mga recruit, na pawang mga babae, ay pinadala sa Hongkong nang walang processing at permits mula sa POEA.

Tinatago umano ng agency ni Guang ang pa­sa­porte ng kanyang mga bik­ tima pagdating sa HK kaya hawak sila sa leeg ng recruiters at employers.

Sa record na nakum­pis­ka sa raid ay nakita ang pa­ngalan ng 100 Pinay na na-recruit at ipinakalat ng agency para magtrabaho bilang domestic helpers sa HK.

ASSISTANT SECRETARY JAIME LEDDA

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FUJIAN

GUANG

INILABAS

INILAGAY

SHY

ZHU ZHUN GUANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with