CHED nagbabala vs tuition fee hike
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Commission on Higher Education sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa na may pananagutan sila sa batas kung iligal na magtataas ng kanilang singil sa matrikula ngayong darating na pasukan.
Ito’y makaraang makatanggap ang CHED na may 300 mga unibersidad ang nakatakdang magtaas ng singil kahit walang konsultasyon.
Ipinaliwanag ni CHED Chairman Emmanuel Angeles na hindi pupuwede na basta na lamang magtataas ang mga kolehiyo at unibersidad ng tuition fee dahil sa may sinusunod silang proseso.
Kailangang ipabatid muna ito sa CHED kung saan nakalakip ang mga dahilan ng pagtataas at kinakailangan rin na may konsultasyon sa mga magulang ng kanilang mga mag-aaral.
Ang mga kolehiyo at unibersidad na mapapatunayan na magkakaroon ng paglabag sa kanilang alituntunin ay maaaring mapatawan ng iba’t ibang parusa tulad ng suspensyon hanggang sa posibleng pagpapasara.
- Latest
- Trending