^

Bansa

Campaign manager ni Lim, inalis sa city hall website

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sa kabila na campaign ma­nager siya ni Manila Mayor Al­fredo­ Lim, ikinagulat ni Deputy Mayor Joey Silva ang umano’y pagpapatanggal ni Louise Behan, hepe ng Manila Infor­mation Bureau (MIB) sa kan­yang pangalan sa city hall web­site na umano’y isang pamba­bastos at pang-iinsulto sa kan­yang pagkatao.

Ayon kay Silva, laking gulat niya nang malamang na­wala ang kanyang pangalan sa website samantalang sa kan­yang website pumapasok ang lahat ng mga reklamo at su­hestiyon ng mga residente ng May­nila na nais na maso­lus­yunan ang kanilang prob­lema.

Agad din namang dini­pen­sahan ni Silva si Electronic Data Processing (EDP) chief Gary Tan sa pagsasabing wala itong kina­laman at napag-utusan lamang kaya naga­wang tang­galin ang kaniyang pa­ngalan pati posisyon kahit pa nga titular lamang ito at walang official function.

Kasalukuyang nasa ba­kasyon si Behan kung kaya’t hindi makuha ang panig nito. Walang makitang dahilan si Silva upang tanggalin siya sa listahan ng mga opisyal ng city hall.

Ang Deputy Mayor ng isang lungsod ang siyang kumaka­tawan sa elected mayor sa mga social functions na tulad din ng isang president sa parliamentary government.

vuukle comment

ANG DEPUTY MAYOR

AYON

BEHAN

DEPUTY MAYOR JOEY SILVA

ELECTRONIC DATA PROCESSING

GARY TAN

LOUISE BEHAN

MANILA INFOR

MANILA MAYOR AL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with