MANILA, Philippines - Sisimulan ng kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pag-iinspeksyon sa mga paaralan, unibersidad, dormitories at commercial stablishments upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad na safety regulations at standards ng kagawaran.
Aksyon ito ng BFP dahil sa nalalapit na pagsisimula ng klase sa Hunyo.
Ayon kay DILG undersecretary for Public Safety Marius Corpus, kailangang simulan na ng BFP ang inspection sa mga naturang gusali upang mabigyan ng sapat na oras ang mga namamahala nito sa mga kinakailangang fire equipment na kailangan sa kanilang nasasakupan.
Giit ni Corpus, kailangan anyang i-check ang lahat ng fire safety requirements ng mga school buildings, universities, commercial establishments, sleeping quarters tulad ng dormitories, hotels, inns, hospitals, residential places, food court at factories na may kagamitan ng madaling masunog tulad ng foam, tires at gasoline depot.
Sabi ng opisyal, ang anumang istraktura o gusali na nago-operate na walang mandatory fire safety requirements ay isang malinaw na paglabag sa Fire Code of the Philippines at maaring sampahan ng kaso ng BFP.