^

Bansa

60 PCOS machines nasa Senado na

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dinala na kamakalawa ng gabi sa Senado ang kontobersiyal na 60 precinct count optical scan (PCOS) machines mula sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang mga nasabing PCOS machines ang napaulat na natagpuan sa tahanan ni Felipe de Leon na isang technician ng Smartmatic sa Antipolo City.

Nauna rito, nag-akusa ang mga natalong presidential candidates na sina Sen. Jamby Madrigal, Olongapo Councilor John Carlos de los Reyes at Nicanor Perlas na nagkaroon ng dayaan sa automated elections at ang mga nasabing PCOS machines ay maaring magamit na ebidensiya.

Ang tatlong nabanggit na presidentiables ay sumama sa paghahatid ng PCOS machines sa Senado.

Kasalukuyang naka­lagak ang mga nasabing PCOS machines sa Claro M. Recto Room na nasa ikalawang palapag ng Senado.

Matatandaan na napaulat na iniuwi umano ng technician na si de Leon ang mga PCOS machines sa kanilang tahanan upang mapangalagaan nang  tanggihan ito ng Comelec sa Antipolo.

ANTIPOLO CITY

CLARO M

COMELEC

DINALA

JAMBY MADRIGAL

NICANOR PERLAS

OLONGAPO COUNCILOR JOHN CARLOS

RECTO ROOM

SENADO

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with