Jamby, 2 pa nagpasaklolo sa Supreme Court
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo kahapon sa Korte Suprema ang tatlong nahuhuling presidential candidate upang pigilan ang Commission on election (Comelec) na sirain ang mga kontrobersyal na compact flash (CF) cards na hindi gumana noong May 10 elections.
Base sa 12 pahinang petition for prohibition and mandamus na isinampa ng tatlong kulelat na kandidato sa pangunguna ni Senator Jamby Madrigal, kasama si Nicanor Perlas at JC delos Reyes, hiniling nila na mag isyu ng temporary restraining order ang kataas taasang hukuman laban sa Comelec.
Iginiit ng mga ito na ang pagsira sa mga naturang CF cards at pag –delete o pagbura sa final testing and sealing (FTS) data ay isang paglabag sa “right to information” ng taong bayan at maituturing anyang pagsikil sa mga ebidensya , para sa pag review at pagsususri ng joint Congressional oversight Committee.
Tiwala ang tatlong kandidato na kakatigan at magpapalabas ng TRO ang SC . tulad anya ng pagkatig ng SC sa naunang petisyon ni V.P Teofisto Guingona hinggil sa karapatan ng publiko sa preparasyon ng Comelec para sa halalan.
Ang mga CFC at FTS data ay napakahalagang ebidensya para ma-determina kung paano na-manipula ang boto, na nagresulta sa “discrepancies” sa pagitan ng electronically transmitted results at ang mga nasa printed election returns.
- Latest
- Trending