3 pang senador ipoproklama ngayon
MANILA, Philippines - Nakatakdang iproklama ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang natitira pang tatlong senador na nanalo sa idinaos na May 10 elections sa bansa.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, ang proklamasyon ay gaganapin dakong 10:00 ng umaga sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.
Batay sa pinakahuling partial at official tally ng Comelec na ipinalabas dakong 10:51 a.m. kahapon, nabatid na kabilang sa posibleng maiproklama at nasa pang-10 hanggang pang-12 puwesto ay sina (10) Sergio Osmena III na may botong 11,312,362; (11) Manuel “Lito” Lapid (10,573,073); at Teofisto Guingona III (9,932,278).
Nananatili naman sa pang-13 puwesto si Ana Theresa Hontiveros-Baraquel, ngunit may isang milyong boto ang lamang sa kaniya ni Guingona.
Una nang naiproklama bilang mga bagong senador ng bansa noong Sabado ng hapon sina Ramon “Bong” Revilla Jr., Jose “Jinggoy” Estrada, Miriam Defensor-Santiago, Franklin Drilon, Juan Ponce Enrile, Pilar Juliana Cayetano, Ferdinand Marcos Jr., Ralph Recto, at Vicente Sotto III.
- Latest
- Trending