PNP escorts ng kandidato aalisin na
MANILA, Philippines - Sisimulan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatanggal sa security escorts na itinalaga sa mga kandidato nitong nagdaang pambansang halalan simula sa June 9.
“Starting June 9 as the election period end, we will recall all police security escorts to politicians “, wika pa ni PNP chief Jesus Verzosa.
Sinabi ni Verzosa na pababalikin na sa kanilang mga mother units ang tinatayang libu-libong police personnel na nagsilbing security escorts ng mga kandidato sa panahon ng election.
Ayon kay Verzosa , bago mag-Hunyo 9 ay magpapadala sila ng ‘notification’ o abiso sa mga pulitikong tumakbo sa halalan upang personal na ipabatid sa mga ito na ang pagtatanggal sa kanilang mga security escorts.
Samantalang para sa mga nagwaging kandidato na nangangailangan ng security escorts ay kailangang gumawa ang mga ito ng panibagong request sa susunod na liderato ng PNP para mapagbigyan ang kanilang kahilingan sa usapin ng seguridad.
- Latest
- Trending