PNP chief magbibitiw sa pag-upo ni Noynoy
MANILA, Philippines - Isusumite ni PNP chief Jesus Versoza ang kanyang courtesy resignation sa araw ng panunumpa ni Sen. Benigno Aquino III sa darating na June 30 bilang ika-15 Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Versoza sa flag raising ceremony sa ika-55 anibersaryo ng PNP-Highway Patrol Group ang kanyang maagang pagreretiro sa serbisyo at ang planong paghahain ng courtesy resignation kay incoming President Aquino sa June 30.
“By June 30, after the new President is sworn into office, I will tender my courtesy resignation, to give the new President a free hand and a fresh start to choose the next Chief, PNP,” wika pa ni Versoza.
Sinabi pa ni Versoza sa mga reporters na noong Enero bago pa man ganapin ang pambansang halalan nitong Mayo 10 ay napagdesisyunan na niyang magsumite ng courtesy resignation sa pagtatapos ng termino ng kaniyang Commander-in-Chief na si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“I am prepared to be terminated, matagal ko na itong napaghandaan, it’s a unilateral decision on myself (courtesy resignation), this position is not permanent,” pag-amin pa ng PNP Chief.
Si Verzosa ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa darating na Disyembre 25, 2010 sa gulang na 56 anyos na siyang mandatory age retirement sa PNP at maging sa AFP.
- Latest
- Trending