^

Bansa

Kasong estafa, pagnanakaw vs Bistek ibinasura

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Quezon City Prosecutors office ang kasong qualified theft at estafa na isinampa kay Quezon City Mayor-elect Herbert “Bistek” Bautista ng isang negosyante.

Dinismis ni QC Prosecutor Dindo Venturanza ang kasong qualified theft at estafa na isinampa ni Carlos de Leon laban kay Bistek at kapatid nitong si Hero dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

“We find that the totality of evidence submitted by the complainant does not meet the required quantum to support a funding of probable cause that the act imputed to respondents was indeed committed,” nakasaad sa 2-pahinang resolusyon ni Venturanza.

Inakusahan ni de Leon si Hero ng pagnanakaw sa P1.2 milyong halaga ng printing machine na pag-aari ng C.H.A.M Advertising sa kanyang tanggapan sa Project 8, QC at utos daw ito ni Bistek.

Nabigo namang patunayan ni de Leon ang kanyang akusasyon laban sa magkapatid na Bautista kaya dinismis ang reklamo nito.

vuukle comment

BAUTISTA

BISTEK

DINISMIS

IBINASURA

INAKUSAHAN

M ADVERTISING

NABIGO

PROSECUTOR DINDO VENTURANZA

QUEZON CITY MAYOR

QUEZON CITY PROSECUTORS

VENTURANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with