MANILA, Philippines - Nakahandang magsumite ng courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa kaugnay ng pagpapalit ng liderato sa gobyerno sa darating na Hunyo 30 ng taong ito.
“I will submit my courtesy resignation,” ani Verzosa ng matanong kung ano ang binabalak nito kaugnay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Arroyo sa susunod na buwan.
Si Verzosa ay nakatakdang magretiro sa Disyembre 25 ng taong ito o sa pagsapit sa ika-56 nitong kaarawan pero dahil mapapalitan na ang Pangulo ay napagdesisyunan nitong magsumite ng courtesy resignation.
Ipinagmalaki rin ng PNP Chief ang matagumpay na halalan bunga ng pinaigting na seguridad na ipinatupad ng Joint Security Control Center (JSCC) ng PNP at AFP sa ilalim ng superbisyon ng Comelec.
Sinabi ni Verzosa na hindi dito natatapos ang lahat dahil itutuon naman nila ang kanilang atensyon sa maayos at matiwasay na pagpapalit ng kapangyarihan sa pamahalaan.