^

Bansa

PASG 'nagamit' sa black prop vs LP bets

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang ulat na panggagamit sa kanila sa black propaganda laban sa mga kandidato sa local at national ng Liberal Party.

Sinabi ni PASG officer-in-charge Assistant Secretary Danilo Mangila, nagtatrabaho lamang ang PASG at nakakalungkot na ginagamit pa sila sa black propaganda sa ilang kandidato sa maling pamamaraan.’

“All we want is to serve the country to the best we can. PASG is operating to curb smuggling with no political leaning or political interest,” wika pa ni Asec. Mangila.

Ginawa ni Mangila ang paglilinaw matapos lumabas sa mga pahayagan na isinasangkot umano ng PASG si Quezon Gov. Rafael Nantes sa drug smuggling sa ginawa daw na raid sa Icolog island sa Quezon.

Nilinaw din ng PASG chief na walang nakuhang droga sa nasabing raid sa Icolod island kundi mga farm fertilizers lamang.

Ipinaliwanag pa ni Ma­ngila na ang Icolog island ope­ration ng PASG ay ba­hagi ng surveillance ope­ration laban sa isang Anton Ang na kinasuhan ng smuggling kaugnay sa 714 kilo ng shabu sa Subic.

ANTON ANG

ASEC

ASSISTANT SECRETARY DANILO MANGILA

BINATIKOS

ICOLOG

LIBERAL PARTY

MANGILA

PASG

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

QUEZON GOV

RAFAEL NANTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with