MANILA, Philippines - Ikinagalak ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-concede ni Senador Manny Villar laban sa kanyang katunggali na si Senador Noynoy Aquino.
Sa ipinalabas na pahayag ng Comelec sinabi nito na malaki ang kanilang paghanga kay Villar dahil sa naging aksyon nito na sa pag concede sa eleksyon.
Isang mahigpit na labanan umano ang pinasok ng dating Senate President bilang Senador gayundin ang hinarap nitong mga atake at batikos sa kanyang personal na buhay.
Iginiit pa ng Comelec na maari namang ipagpatuloy nito ang mapait na laban hanggang sa huling sandali subalit isinantabi na lamang nito ang kanyang personal na ambisyon upang mapabilis ang personal reunification at recovery ng bansa sa pamamagitan ng eleksyon.
Samantala, sinabi naman ni Comelec Commissioner Jose Melo, ang pag-concede ni Villar ay patunay din na mayroong tiwala si Villar sa Automated elections.