I-Card ng BI, gagawing modelo ng 3 bansa

MANILA, Philippines - Nais ng pamahalaan ng India, Sri Lanka at Bangladesh na gayahin ang identity card issuance scheme na ipinatutupad ng Bureau of Immigration (BI) para sa mga dayuhan sa bansa. 

Ayon kay BI Alien Registration Division (ARD) chief Danilo C. Almeda, naipaalam kay Commissioner Marcelino Libanan ang plano ng mga opisyal ng immigration departments ng tatlong Asian countries nang bumisita sila sa main office ng ahensiya sa Manila kamakailan.

Sinabi ni Almeda na humanga ang mga bisitang foreign officials sa tagumpay ng ACR-I-Card project ng BI kaya ipinarating nila kay Libanan ang intensiyon na ipatupad ang katulad na sistema para sa mga dayuhan sa kanilang bansa.

Show comments