Palasyo may pakiusap

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacanang na sinuman ang manalo sa halalan ngayon ay maayos na isasalin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamahalaan sa susunod na administrasyon.

Nakiusap din ang Palasyo sa taumbayan na magdasal para maging mapayapa at matagumpay ang gaganaping eleksyon sa araw na ito.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, ang PNP at AFP kasama ang mga school teachers na magbabantay sa eleksyon ngayon ay handang-handa na upang maging matagumpay ang kauna-unahang automated elections na kabilang sa commitment ni Pangulong Arroyo simula ng maupo ito noong 2001.

Aniya, nakamasid ang buong mundo sa isasagawang kauna-unahang automated polls sa bansa sa araw na ito at naniniwala ang Palasyo na magiging matahimik, maayos at mapayapa ito sa tulong ng taumbayan.

Show comments