Lady solon handa na
MANILA, Philippines - Handang-handa na sa kanyang pagbabalik Kongreso bilang kinatawan ng Manila 6th District si Sandy Ocampo na una nang nakapaglingkod ng tatlong sunud-sunod na termino sa naturang distrito mula 1992 hanggang 2001.
Sa panayam kay Ocampo ay sinabi nitong kung marami siyang nagawa para sa kanyang distrito sa mga nabanggit na panahon ay mas marami siyang proyektong ilulunsad kung muling magtitiwala sa kanya ang mga botante ng 6th District.
“Naging Deputy Mayor ako ng ating lunsod sa nakalipas na dalawang taon kaya kahit paano ay nadagdagan ang aking karanasan sa maayos pamamahala ng ating komunidad at ito ay gagamitin ko rin sa mas maayos pang kalagayan ng ating distrito,” ayon pa kay Ocampo.
Kabilang sa mga prayoridad ni Ocampo ang pagbibigay ng karagdagang benipisyo sa mga senior citizens ng naturang lugar, bukod pa sa kasalukuyang tinatanggap ng mga ito sa ilalim ng umiiral na senior citizens law.
- Latest
- Trending