80,000 estudyante magbabantay sa halalan
MANILA, Philippines - Umaabot sa 80,000 estudyante mula sa iba’t ibang mga catholic schools ang magsisilbing poll watcher at ipapakalat sa mga polling precincts bukas.
Ayon kay Catholic Educational Association of the Philippines president Msgr. Gerry Santos, ang may 1,200 estudyante ay mula sa CEAP na pawang mga computer-savvy.
Sinabi ni Santos na panahon na upang magkaroon ng mabuting pagkakaabalahan ang mga kabataan partikular na ang mga estudyante.
Sinabi naman ni CBCP spokes man Msgr. Pedro Quitorio III na ang Operation CHAMP (clean, honest, accurate,meaningful and peaceful) polls ay isang multimedia monitoring system na mangangalap ng balita sa mga diocese sa buong bansa habang isinasagawa ang halalan.
Dapat umanong maging handa ang bawat isa sa magaganap na halalan dahil ang kinabukasan ng mga kabataan ang siyang nakasalalay dito.
- Latest
- Trending