^

Bansa

Solon sinabotahe, 5 supporters sugatan

- Danilo Garcia -

ANTIPOLO CITY, RIZAL , Philippines  - Nababahala nga­yon si Nationalist People’s Coalition mayoralty bet at Antipolo City 2nd District congressman Angelito C. Gatlabayan matapos ang sunod-sunod na pananabotahe at political harassments sa kanyang kandidatura at maging sa hanay ng kanyang mga taga-suporta.

Nitong nakalipas na Mayo 5 ay limang supporters ni Gatlabayan ang sugatan matapos isabotahe ang dala nilang marked vehicle sa San Antonio Village, Barangay Dalig na naturang lungsod nang sadyain umanong tanggalan ng preno ang owner type jeep na gamit sa pangangampanya.

“Hindi nila ako ka­yang tirahin sa iba’t ibang kasong nais nilang palutangin dahil puro gawa-gawa lang nilan iyon, kaya ang aking supporters ang kanilang tinitira at ngayon ay marami pa ang nasaktan. Kawawa naman silang mga walang malay. Bakit hindi na lang sila lumaban ng patas,” sabi ni Gatlabayan.

Sinabi pa nito na bukod sa pananabotahe ay plano rin ng kanyang mga kalaban sa politika na taniman ng droga at mga baril ang lahat ng kanyang mga sasakyan at maging ang kanyang mga ari-arian.

Agad naman nagpahatid ng tulong ang kongresista upang masiguradong nalapatan ng lunas ang mga nasaktan at nangakong tutulong pa hanggang sa paggaling ng mga nasaktan sa insidente. 

vuukle comment

ANGELITO C

ANTIPOLO CITY

BAKIT

BARANGAY DALIG

GATLABAYAN

KAWAWA

NABABAHALA

NATIONALIST PEOPLE

SAN ANTONIO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with