Trabaho ng 50% Pinoy ipaglaban
MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Agricultural Sector Allaince of the Philippines (AGAP) Rep. Nicanor “Nikki” Briones ang mga presidentiables na tigilan na ang siraan sa halip ay maglatag ng plataporma na ipaglaban ang hanapbuhay ng 50 porsiyento ng mga Pilipino.
Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ng kinatawan ng AGAP na dapat ay pagtuunan ng pansin ng mga nagnanais maging Pangulo ng bansa ang kapakanan ng libo-libong magsasaka sa bansa na nagpapakapagod para magkaroon ng sapat na pagkain ang Sambayanang Pilipino.
Anang AGAP, hanggang ngayon ay walang nagsasabi sa mga presidentiables na dapat ay tuldukan na o sugpuin ang malaganap ng smuggling at sobrang importasyon ng produktong pang-Agrikultura na siyang pumapatay sa trabaho ng mga magsasaka sa bansa.
- Latest
- Trending