^

Bansa

Yaman ni Binay kinuwestiyon

-

MANILA, Philippines - Kinondena ng mga Facebook users at texters si Makati City Mayor Jejomar Binay kaugnay sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman nito at mga pambababae na kanyang inamin ka­makailan.

Sa Facebook account na may pamagat na “Jojo Binay, do not fool the public with your campaign ads”, sinabi ng mga kritiko nito na hindi ito dapat manalong bise-presidente dahil sa isyu ng moralidad.

Nabatid na dalawang kaso ng katiwalian ang na­isampa sa Office of the Ombudsman laban kay Binay at sa misis nito.

Ang unang kaso ay pag­labag sa Cockfighting Law of 1974 sa pagpayag na magamit ang multi-milyong pisong Makati Coliseum bilang sabungan sa loob ng 25 taon. Naisampa ang kaso noong 2005. Ang isa pa ay kasong plunder na isinampa noong 2006 matapos ang umano’y maanomalyang bidding ng P237 milyong pagpapagawa sa mga tanggapan sa Makati City Hall.

Sa katunayan, sinulat ni Miriam Grace Go ang “The Lord of Makati,” na nalathala sa NewsBreak magazine na nagbubunyag na sa kulang isang dekada, si Binay ay nagkamal ng halos P80 milyon ng mga ari-arian sa Makati at Batangas matapos na maghari ng 23 taon sa Makati bilang Alkalde nito. Hindi pa umano kasama dito ang P1.2M deklaradong investments at iba pang negosyo na kontrolado niya at ng ilang kaibigan.

BINAY

COCKFIGHTING LAW

JOJO BINAY

LORD OF MAKATI

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

MAKATI COLISEUM

MIRIAM GRACE GO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with