Gibo 'manok' ng TUCP, 18 partylists

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Trade Union Congress of the Philippines at ng 18 pang partyl-list group ang kandidatura ni Lakas-Kampi-CMD presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro.

Pinasalamatan naman ni Teodoro ang TUCP at ang mga party-list sa pagsasabing isa itong kolektibong pagpupursige sa tunay na pagbabago at pambansang kaunlaran sa susunod na dekada.

Sinabi pa ni Teodoro na nararapat na magkaroon ng kinatawan sa Kongreso ang TUCP at iba pang party-list group para tiyak na lahat ng sektor ay mapapakinggan.

Bukod pa sa TUCP na merong 1.2 milyong miyembrong manggagawa, kabilang pa sa mga partylist na nagpahayag ng suporta kay Teodoro ang Aangat Tayo, ANAD, Senior Citizens, Ang Kasangga, BANAT, KAKUSA, ABAKADA-Guro, ARC and ABS, UNI-MAD, 1 Utak, YACAP, ALAGAD, COOP-NATCCO, VFP, AA-KASOSYO, at ALIF.

Naniniwala ang naturang mga grupo sa pangarap ni Teodoro para sa bansa at sa sambayanang Pilipino at handa silang sumuporta para matupad ito.

Show comments