Senate pres. giit ihalal
MANILA, Philippines - Hinikayat ng grupong Concerned Citizens Movement (CCM) ang Senado na mag-halal ng Senate President na may mandato ng hanggang June 30, 2010 bilang caretaker ng pamahalaan sakaling magkaroon ng failure of election at upang maiwasan ang military junta.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni CCM co-convenor Harry Roque, iginigiit umano ng Comelec ang halalan sa May 10, sa kabila ng mga palpak na Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines ng ito ay subukan noong nakaraang Lunes sa ilang lugar sa Metro Manila at ilang lalawigan.
“We should oppose all efforts to postpone the holding of the elections as this will inevitably lead to the transition junta,” ani Roque.
Maging si Defense Secretary Norberto Gonzales ay nagbabala na posibleng magkaroon ng malawakang dayaan sa May 10 election,
Sinabi rin umano ng Malakanyang na posibleng magkaroon ng junta, kung walang malinaw na papalit kay Pangulong Arroyo pagsapit ng June 30.
- Latest
- Trending