Megastar inendorso si Lacson
MANILA, Philippines - Ibinigay ni Megastar Sharon Cuneta ang suporta nito sa kandidatura ni Liberal Party senatoriable Atty. Alex “Pinoy” Lacson sa ginanap na konsiyerto sa People Power Monument sa Edsa. Sinabi ni Sharon na nagustuhan niya ang adbokasiya ni Lacson nang mabasa ang librong isinulat ni Lacson na may titulong “ 12 Little things every Filipino can do to help our Country” na nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pinoy.
Si Lacson ay matagal ng kaibigan ni Senator Kiko Pangilinan noong sila ay kapwa nag-aaral ng abogasya sa University of the Philippines. Sa nasabing konsiyerto, nangako si Lacson na susuportahan niya ang mga mahihirap gaya ng mga residente ng Tondo, Maynila at Payatas. Aniya, kailangan mabigyan ng libreng edukasyon ang mga kabataan mula elementarya hanggang kolehiyo.
Maging ang mga maliliit na negosyate ay bibigyan ng pagkakataon na palaguin ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbalangkas ng kaukulang batas para rito.
- Latest
- Trending