^

Bansa

Plataporma sa ads ni Villar, 'di mapapako!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Siniguro ni Nacionalista Party standard bearer Manny Villar sa publiko na tutuparin niyang lahat ang mga pangako nito sa kanyang mga infomercials sa loob ng 6 na taong termino sakaling palarin sa dara­ting na eleksyon.

Iginiit ni Villar na malinaw ang kanyang plataporma na nakatuon sa pag-ahon sa kahirapan ng bansa at hindi umano ito imposible kung pagbibigyan lamang syang maglingkod, hindi umano magiging mahirap para sa kanya ang panguluhan dahil may sapat itong experience, kaalaman, husay at mga mahahalaga at malinaw na programa na nakatuon sa pag-unlad ng bansa.

“Alam ko ang aking ginagawa at alam ko kung ano ang makabubuti sa bayan, bawat proyekto at desisyon ay masusing pag-aaralan dahil hindi dapat magkamali at walang pondong maaaksaya,” pahayag pa ni Villar.

Samantala handang handa na ang makinarya ng NP upang panalunin si Villar. Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang black propaganda na nanggaling sa ibang mga kandidatong pangulo. 

“Nakita niyo naman ang ugali ni Senator Villar. Imbes na salagin ang lahat ng mga kasinungalingan laban sa kanya, minabuti na lang niyang direktang kausapin ang tao at ipaliwanag ang kanyang plataporma,” ani NP spokesperson at senatoriable Gilbert Remulla.  

vuukle comment

ALAM

GILBERT REMULLA

IGINIIT

IMBES

MANNY VILLAR

NACIONALISTA PARTY

NAKITA

SAMANTALA

SENATOR VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with