^

Bansa

AFP, PNP show of force sa May 10

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isandaang porsiyentong nakahanda na ang pu­wersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pagtugon sa anumang hamon o pitong araw bago ang gaganaping lokal at pambansang halalan sa bansa.

Kahapon ay nagpakita ng ‘show of force‘ ang PNP sa Camp Aguinaldo kasunod ng idinaos na interfaith prayer vigil na dinaluhan ng ibat ibang sekta ng relihiyon, Major Services Commanders, Regional at Division Commanders ng AFP at PNP.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen Delfin Bangit, pitong araw bago ang eleksyon ay umaasa silang walang magiging balakid para sa pagdaraos ng HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections ).

Sinabi naman ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na isa sa mala­king hamon na dapat nilang matugunan ay ang paya­pain ang publiko laban sa anumang agam-agam sa samutsaring mga isyu ukol sa eleksyon at pairalin ang peace and order sa mga polling precints.

Sinabi pa ni Bangit na walang dapat na ikabahala ang mamayan sa mga susunod na araw sakaling makakita sila sa mga lansangan ng serye ng troop movement sa iba’t ibang kampo ng militar dahil ipinosisyon nila ang kanilang mga puwersa sa mga lugar na kinakailangan ang mabilisang pagresponde  sakaling magkaroon ng kaguluhan.

Subali’t tiniyak ng hene­ral na ang kasundaluhan ay laging nasa tabi ng samba­yanang Filipino at handang pangalagaan ang kanilang karapatan alinsunod sa itinatadhana ng batas.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BANGIT

CAMP AGUINALDO

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF OF STAFF GEN DELFIN BANGIT

MAJOR SERVICES COMMANDERS

ORDERLY AND PEACEFUL ELECTIONS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with