^

Bansa

Buwenamanong sigwada ng LP sa Maynila mamaya na!

-

MANILA, Philippines - Isang linggo bago ang araw ng botohan sa Mayo a-diyes ay unti-unti na ring ipapakita ng Liberal Party sa lunsod ng Maynila ang kanilang puwersa, partikular sa iba’t ibang congressional districts sa lunsod na ito.

Buwenamanong magdadaos ng miting de avance sa lunsod mamayang alas-6 ng gabi ang Manila 6th District Liberal Party Congressional bet na si Sandy Ocampo kung saan ay sinasabing nakalinya sa mga dadalo ang standard bearer ng LP sa lunsod ng Maynila na si LP mayoralty bet Alfredo Lim at inaasahan din si LP presidentiable bet Noynoy Aquino at ilan sa kanyang mga senatoriables.

Aabot sa 30 libong botante mula sa nabanggit na congressional district ang dadalo sa naturang miting de avance na idadaos sa President Quirino Avenue sa Pandacan na sinasabing kapapalooban ng mga senior citizen, mga estudyante at grupo ng kababaihan.

“Solid ang Manila District 6 sa Liberal Party kaya mamaya alas-6 ng gabi ay ipapakita namin sa aming mga kandidato sa national level kung gaano kadami ang mga tao dito sa aming lugar na umaasa ng pagbabago dahil sawang sawa na sila sa mga pangako at pambo­bolang noon hanggang ngayon ay naririnig at nakikita nila,” ang paliwanag pa ni Ocampo.

Bukod sa tradisyunal na miting de avance na kinapapalooban ng paglalatag ng plataporma ni Ocampo sa kongreso ay inaasahang mailalantad sa nabanggit na aktibidad ay ang umano’y personal at pilit na pamimili ng boto ng isang tumatakbong kongresista sa isang lugar sa naturang distrito, ang pananakot at pambabastos ng mga tauhan nito sa mga kababaihan at iba pang mga uri ng pang-aabuso ng mga kandidato.

vuukle comment

ALFREDO LIM

DISTRICT LIBERAL PARTY CONGRESSIONAL

LIBERAL PARTY

MANILA DISTRICT

MAYNILA

NOYNOY AQUINO

OCAMPO

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

SANDY OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with