Recom landslide pa rin sa Caloocan

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ang pa­mamayagpag ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa lahat ng sektor ng lipunan sa lungsod kaya tiyak na ang muling panalo nito sa darating na May 10 election.

Lumabas sa survey ng Kabataan Kontra Korup­siyon na 80% ang nakuha ni Echiverri sa hanay ng mga guro, estudyante, ne­gosyante, kabataan, senior citizens, jeepney at tricycle driver, vendors at iba pang sector na bumubuo sa hanay ng maralita o masa.

Ayon sa mga nanga­siwa ng survey na sina Prof. Ernie Radin, MBA (Faculty-Adamson at EAC) at Prof. Melvin Mitra (faculty-FEU, Eco. Department), ang pag-angat ni Echiverri sa survey ay dahil na rin sa maayos na pama­malakad nito sa lungsod kaya ramdam ng mga resi­dente ang pagba­bagong nangyari sa Caloo­can mag­mula sa isang na­kasusulasok na siyudad.

Ayon sa mga guro at estudyante, kitang-kita ang pagmamalasakit ni Echi­verri sa edukasyon dahil sa mga pinatayo nitong 300 silid-aralan.

Maging ang mga kabataan at negosyante ay all out ang ipinakitang suporta kay Echiverri dahil sa nakita nilang kilo-kilo­metrong kalye na napa­semento nito.

Umaabot naman sa 114 covered courts ang naipagawa ni Echiverri sa kanyang mahigit limang taong panunungkulan.

Ayon pa sa mga resi­dente ng lungsod, dahil sa mga ipinagawang ito ni Echiverri ay mahihirapan ang kanyang mga kala­ban na talunin ito sa darating na eleksiyon dahil nanini­wala ang mga ito na mas marami pang proyekto ang kayang ipagawa ni Mayor Recom sa kanyang ika-tatlong terminong panu­nungku­lan.

Show comments