^

Bansa

Kapitbahay ni Villar sa Tondo lumantad

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Laking-gulat ni Nacio­nalista Party standard-bearer Senador Manny Villar nang makita nito ang isang 64-anyos na dating kapitbahay ng kanilang pamilya sa Tondo sa gina­nap na kampanya sa Ge­nera­l Santos City noong Sabado.

Si Danilo Tinoco na tumatakbong konsehal sa Gensan ay tinawag sa entablado sa ginawang endorsement ceremony ng Central Mindanao United Pentecostal Church.

Sa kanyang pagsalita, tinawag ni Tinoco na sinu­ngaling ang mga taong nagsasabing hindi talaga nanggaling sa hirap si Villar. Sinabi niya na dati siyang nanirahan sa 716 Moriones St. kanto ng Juan Luna, ilang bloke lamang mula sa lumang bahay ng mga Villar sa 500 Moriones St. kanto ng Sta. Maria.

Nahihiya mang inamin ni Tinoco na mayaman pa ang pamilya niya noon kaysa kina Villar dahil ang kanilang bahay ay naka­tayo sa isang 1,000 metro kuwad­rado na lupa sa­mantalang ang kina Villar ay may 50 metro kuwadro lamang sa lugar ng mga iskwater.

Ayon pa kay Tinoco, nasaksihan niya mismo ang naging buhay ni Villar noong bata pa ito sa Tondo na kung saan tinutulungan ang kanyang ina na mag­tinda ng hipon sa palengke ng Divisoria.

Sinabi ng dating ba­rangay chairman ng Ba­luan na nagdesisyon siyang lumantad upang ipagtang­gol ang kanyang dating kapitbahay mula sa kritiko nito na kumukwestiyon sa pinanggalingan nitong kahirapan.

“Ang bahay po ni Manny Villar na sinasabi nila na isa pong mayaman na dati na hindi po totoo, nasa isang relocation site po sya. Ito ay National Housing Authority project, 50 square meters sa relocation site ng mga squatters po kung tawagin natin. Sa Tagalog, maralitang taga-lungsod. Yan po si Manny Villar. Totoo po yun na naliligo sa dagat ng basura yan sapagkat yun lugar na yun, barado yun pong mga drainage system dun. Paglabas po ng bahay ni Sen. Manny Villar, doon po ang tubig po hanggang tuhod,” sabi pa ni Tinoco.

CENTRAL MINDANAO UNITED PENTECOSTAL CHURCH

JUAN LUNA

MANNY VILLAR

MORIONES ST.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

SA TAGALOG

SANTOS CITY

SHY

TINOCO

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with