^

Bansa

2 solon nagsuko ng mga armas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang kongre­sista ang kusang loob na nag­suko ng kanilang mga armas sa Philippine National Police bilang paki­kiisa sa pag­kakaroon ng tahimik at maayos na eleksiyon.

Ayon sa ulat, ang mga armas na hawak nga­yon ng PNP ay isi­nuko ng dala­wang mam­babatas mula sa Masbate noong Abril 27 at May 2, 2010 na may kabuuang 44 mata­taas na kalibre ng armas.

Partikular na isinuko ni Congressman Antonio Kho ang dalawang ka­libre 60 LMG; anim na M16; limang Baby M16; isang GL M203; isang M14, isang M16 Bush­master; isang Intratec MPistol; at limang kalibre 45.

Habang kay Cong. Narciso Bravo Jr. ay apat na M-14; tatlong M-16; dalawang carbine; isang Ultimax; isang Uzi; isang Shotgun SPA12; isang Thompson SMG; limang kalibre .38 revolver; at tatlong kalibre 45.

Ayon kay Chief Supt. Leonardo Espina, spokes­man ng PNP at kasapi ng Joint Security Control Council (JScC), umabot sa 87 iba’t-ibang uri ng armas ang nakum­piska ng PNP nitong nakalipas na da­la­wang araw.

Habang ang natiti­rang 43 ay nakumpiska sa iba’t-ibang operasyon ng nasa­bing kagawaran.

Ayon pa kay Espina, ang kusang pagsuko ng mga armas ng mga poli­tiko ay indikasyon na ma­tured na ang mga politiko sa Masbate sa larangan ng politika para makamit ang maayos na halalan sa kanilang lugar.

vuukle comment

AYON

CHIEF SUPT

CONGRESSMAN ANTONIO KHO

HABANG

ISANG

JOINT SECURITY CONTROL COUNCIL

LEONARDO ESPINA

MASBATE

NARCISO BRAVO JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with