^

Bansa

Binay hinihingian ng paliwanag sa prostitution

-

MANILA, Philippines - Hinamon ng grupo ng mga kabataan sa Makati si Councilor Jejomar Erwin Binay na ipaliwa­nag nito ang alegasyon na pino­protektahan nito ang mga prostitution den sa lung­sod.

Ayon kay Jules Gar­cia, spokesman ng Kasa­nib Youth group, nais nilang marinig ang sagot ni Binay sa mga aku­sasyon kaugnay sa pag­dami ng mga nightclub sa Makati na nagsisilbi uma­nong front ng prostitusyon at illegal na pasugalan.

Ang Kaanib Youth Group ay kinabibilangan ng may 15,000 kaba­taang residente ng Makati City na nagpahayag ng pagkadismaya kay Binay at ngayon ay lantarang sumusuporta na sa kan­didatura ni Vice Mayor Ernesto Mercado bilang alkalde ng Makati.

Sinabi pa ni Garcia, kung totoong batid nina Binay ang pagkakaroon ng prostitusyon at gambling dens sa lungsod, hindi ito magandang imahe para rito na siyang pinag-uusapan ngayon ng religious groups sa Makati.

ANG KAANIB YOUTH GROUP

AYON

BINAY

COUNCILOR JEJOMAR ERWIN BINAY

GARCIA

HINAMON

JULES GAR

MAKATI

MAKATI CITY

SHY

VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with