'3 kings' idinepensa si Villar
MANILA, Philippines - Nagsama-sama ang tinaguriang “tatlong hari’ sa kani-kanilang larangan upang bigyan ng pag-asa at inspirasyon si Nacionalista Party standard-bearer Manny Villar na patuloy na inuulan ng paninira at black propaganda ng kanyang mga kalaban.
Si “pound-for-pound king” Manny Pacquiao, ang “hari” ng mga noontime shows na si Willie Revil lame, at “king of comedy” na si Dolphy ay nagkaisa sa isang commercial sa telebisyon upang muling i-endorso si Villar at hikayatin siyang ipagpatuloy ang maganda niyang laban.
Sinabi ni Revillame na maraming mga tao, lalo na ang mga kalaban ni Villar sa pulitika, ang hindi tumitigil upang ito ay siraan at wasakin ang kaniyang kandidatura.
Si Pacquiao naman, na ngayon ay kandidato sa pagka-kongresista sa Sarangani, ay nagpahayag ng kaniyang paghanga kay Villar. Pinasaringan din niya ang mga kandidatong walang karanasan at wala pang nagagawang maganda para sa bayan.
Katulad ni Revillame at Pacquiao, muling ipinahayg ni Dolphy ang kaniyang suporta kay Villar bilang pinaka-kwalipikado upang maging pangulo ng bansa.
Si Villar at ang tatlo niyang taga-suporta ay patuloy na nagiging inspirasyon ng maraming mahihirap na Pilipino.
Ang kuwento ng kanilang buhay, na nagmula sa kahirapan tungo sa kaginhawahan, ay nagiging halimbawa para sa nakararaming Pilipino na magsikap at magtiyaga upang gumanda ang kinabukasan.
- Latest
- Trending