^

Bansa

Mar 'secret VP' ni GMA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Matapos tuluyang ma­laglag ang itinuturing na manok sa halalan para sa pampanguluhan, tila may ibang kandidato rin si Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa pagka­bise-presidente.

Ayon sa grupong PE­SANTE, hindi sila magta­tataka kung may basehan nga ang mga balita na ang secret candidate ni PGMA sa pagka-bise presidente ay si Mar Roxas.

Ang Pesante ay isang grupo ng mga magsasaka, mangingisda at magbu­bukid.

“Sa mahabang pana­hon ay sinuportahan ni Roxas si Mrs. Arroyo. At nagkakasundo sila sa mga economic policies, lalo na sa EVAT na sinuportahan ni Roxas at hanggang ngayon ay dinedepen­sahan pa niya,” pahayag ng pangulo ng Pesante na si Evangeline Mendoza.

Naglabasan ang mga balita na hindi si Lakas-Kampi-CMD vice presidential bet Edu Manzano ang manok ni Pangulong Arroyo kundi si Roxas ng Liberal Party.

Ipinaliwanag ni Men­doza na magkaiba ang kandidato ng adminis­trasyon at ang kandidato ni Pangulong Arroyo.

Matapos lumabas ang balita na si Nacionalista Party bet Sen. Manny Villar ang secret candidate ni Pangulong Arroyo, si Roxas naman ang secret candidate ni Pangulong Arroyo sa pagka-bise.

Ang mangyayari uma­no sa sitwasyon ay kapag nanalo si Pangulong Arroyo sa congressional race at naging speaker, gagawa raw ito ng hakbang para mapa-impeach si Senador Noynoy Aquino at maupo si Roxas.

Hindi anila malayo na mangyari ito na sa likod na tila pambabatikos ni Roxas sa administrasyon ay kakampi pa rin ito. 

Makikita rin umano sa history ang pagiging mala­pit ni Roxas sa Pangulong Arroyo. Noong unang impeachment laban sa Pa­ngulo, bumoto si Roxas kontra rito.

vuukle comment

ANG PESANTE

ARROYO

EDU MANZANO

EVANGELINE MENDOZA

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

MAR ROXAS

PANGULONG ARROYO

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with