MANILA, Philippines - Ipinasisibak na ng kampo ni incumbent Mayor at reelectionist Bangued Mayor Dominic Valera ang kumander ng Task Force Abra dahil umano sa pagpanig nito sa kanilang kalaban sa pulitika kaugnay ng pagsiklab ng kaguluhan sa lalawigan ng Abra na ikinasawi ng isa katao noong Abril 29.
Sa isang pulong-balitaan sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City, sinabi ni Atty. Raymund Fortun, abogado ni Valera na kasalukuyang naka-confine sa nasabing pagamutan, na hihilingin ng kaniyang kliyente kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang agarang pagsibak kay Task Force Abra Commander Sr. Supt. Elmer Soria.
Inihayag ni Fortun na hihilingin rin ng kanilang kliyente na isailalim sa kontrol ng Commission on Elections ang Abra na kabilang sa nauna ng idineklarang hotspots bunga ng rekord ng karahasan sa tuwing sasapit ang halalan.
Ibinulgar ni Bernos na walang katotohanan ang ipinahayag ng mga Luna na ang kampo ng mga Valera ang nagpaputok ng baril sa kanilang campaign vehicle dahil ang kaniyang ama ang tinambangan ng grupo ng kalaban at masuwerte na lamang at nakatakbo ito at nagtago sa isang bahay sa lugar kaya nakaligtas sa insidente.