^

Bansa

Hepe ng Task Force Abra ipinasisibak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ipinasisibak na ng kampo ni incumbent Mayor at reelectionist Bangued Mayor Dominic Valera ang kumander ng Task Force Abra dahil umano sa pag­panig nito sa kanilang kala­ban sa pulitika kaugnay ng pag­siklab ng kaguluhan sa lala­wigan ng Abra na iki­nasawi ng isa katao noong Abril 29.

Sa isang pulong-bali­taan sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City, sinabi ni Atty. Raymund Fortun, abo­gado ni Valera na kasalukuyang naka-confine sa nasabing pagamu­tan, na hihilingin ng kani­yang kliyente kay Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa ang agarang pagsibak kay Task Force Abra Commander Sr. Supt. Elmer Soria.

Inihayag ni Fortun na hihilingin rin ng kanilang kli­yente na isailalim sa kontrol ng Commission on Elections ang Abra na kabilang sa nauna ng idi­neklarang hotspots bunga ng rekord ng kara­ha­san sa tuwing sasapit ang halalan.

Ibinulgar ni Bernos na walang katotohanan  ang ipinahayag ng mga Luna na ang kampo ng mga Valera ang nagpaputok ng baril sa kanilang campaign vehicle dahil ang kaniyang ama ang ti­nambangan ng grupo ng kalaban at masu­werte na lamang at naka­takbo ito at nagtago sa isang bahay sa lugar kaya nakaligtas sa insi­dente.

ABRA

BANGUED MAYOR DOMINIC VALERA

ELMER SORIA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

QUEZON CITY

RAYMUND FORTUN

SHY

ST. LUKE

TASK FORCE ABRA

TASK FORCE ABRA COMMANDER SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with