^

Bansa

Wage hike madaliin - GMA

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inutusan kahapon ni Pangulong Gloria Maca­pagal Arroyo si Labor and Employment Secretary Marianito Roque na bilisan ang  isinasagawang wage hike negotiations sa iba’t ibang regional wage boards (RWB) kaugnay sa kahilingan ng mga mang­gagawa na P75 per day wage hike.

Sa kaniyang keynote address sa Labor Day ce­lebration na isinagawa sa SMX Convention Center sa Mall of Asia, ipinag­malaki ng Pangulo na sa siyam at kalahating taon ng kaniyang panunung­kulan, umabot sa 36 na milyon ang mga may tra­baho mula sa 27 milyon.

Umabot umano sa isang milyon ang average job creation sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Pinasalamatan ng Pangulo ang iba’t ibang labor federations at unions at iba pang sektor sa pagbuo ng  Labor Agenda 2010-2015. Nakapaloob umano dito ang labor expectations ng iba’t ibang eco­nomic sectors sa su­sunod na limang taon.

Ipinagmalaki rin ng Pa­ngulo na ang kaniyang re­form programs ang nag­salba sa bansa mula sa masamang epekto ng global financial crisis at food crisis.

Sinabi rin ng Pangulo na ang  minimum wages sa Pilipinas na mula P148 to P256 ay mas mataas kaysa sa Vietnam, China, Indonesia at Thailand.

Mas nabawasan na rin umano ang mga industrial strikes mula 300 no­ong 1998 sa apat na la­mang noong 2009 at zero ngayong  2010. 

CONVENTION CENTER

INUTUSAN

LABOR AGENDA

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY MARIANITO ROQUE

LABOR DAY

MALL OF ASIA

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with