MANILA, Philippines - Ikakalat ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga tauhan nito sa mga election “hot spots” sa araw ng hala lan sa Mayo 10 upang subaybayan ang posibilidad na dayaan sa mga lugar na ito.
Ayon kay CHR Chair Leila de Lima, sila ang unang mag-iingay sa araw ng halalan kapag nakatanggap sila ng ulat na may malawakang dayaan sa tinaguriang mga election hot spots.
Anya, babantayan din ng kanyang mga tauhan ang posibilidad na pagkakaroon ng large-scale disenfranchisement sa araw ng halalan laluna ang paghawak ng balota na na-reject ng automated counting machines.
Gayunman, hihingi anya ng ayuda ang CHR sa pulisya para naman matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan sa mga hot spots area.