^

Bansa

7 presidentiables payag sa psycho test!

- Nina Rudy Andal at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Lalo pang lumakas ang panawagan na isalang sa psychological test ang mga kandidatong presidente sa halalan sa Mayo 10 mata­pos pitong presidentiables ang pumayag na suma­ilalim dito.

Ayon kay Bagumbayan presidential candidate at Senador Richard Gordon, kung ang mga karaniwang manggagawa ay isina­salang sa psycho test sa ilang trabaho na kanilang pinag-aaplayan, higit na dapat aniyang magkaroon ng ganoong uri ng pagsu­suri sa mga gustong ma­kuha ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sinabi pa ni Gordon na ang pagsasailalim lang sa psycho test ang paraan upang matapos na ang pag-aalinlangan sa tunay na kalagayan ng pag-iisip ng ilang kandidato.

Iginiit ni Gordon na napakasensitibo ng po­sisyon ng pangulo kung saan nakasalalay ang kalig­tasan ng buong bansa kaya dapat matiyak na malusog ang pag-iisip at katawan ng mauupong pangulo.

Bukod kay Gordon, payag ding sumailalim sa psycho test sina presi­dentiables Manny Villar (Nacionalista Party); Joseph Estrada (Partido ng Masang Pilipino); Gilbert Teodoro (Lakas,Kampi-CMD); Bro. Eddie Villa­nueva (Bangon Pilipinas); Nick Perlas (Independent); at JC Delos Reyes (Ang Kapatiran).

Sa kabila nito, matindi pa rin ang pagtutol ni Li­beral Party standard bea­rer Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na sumalang sa psycho test at paulit-ulit na iginiit na paninira lang at bahagi ng black propaganda ang pagkuwestiyon sa kanyang katinuan.

Dalawang dokumento na ang lumabas na sina­sabing nagpatingin si Aquino sa psychiatrist no­ ong kabataan niya dahil sa labis na dep­resyon. Bukod dito, may ilang ulat rin sa paha­yagan na ipinatingin sa psychologist si Aquino noong bata pa ito dahil sa pagiging mapag-isa.

Sinabi naman ni Aquino na ang mga taong naniniwala at pumapatol sa pekeng psychiatric report ang posibleng may problema sa pag-iisip.

Ayon pa kay Aquino, hindi kailangan pang si­yasatin ang pag-iisip ng mga taong hindi maka­tang­gap ng katotohanan lalo pa’t hindi naman siya psychologist.

Samantala, si Teodoro ay sumailalim sa psycho test noong siya ay maita­lagang pinuno ng Department of National Defense. Pero sinabi niya na wala sa batas na dapat sumailalim sa nasabing test ang mga kandidato pero bahala na ang mga ito kung nais nilang sumailalim dito.

Iginiit naman ng Citizens of Right of Information na pinamumunuan ng columnist na si Carmen Pedroza na dapat suma­ilalim sa psycho test dahil karapatan ng publiko na malaman ang psychological capacity ng lahat ng kandidato na nagnanais pamunuan ang bansa.

ANG KAPATIRAN

AQUINO

AYON

BANGON PILIPINAS

BUKOD

CARMEN PEDROZA

CITIZENS OF RIGHT OF INFORMATION

GORDON

SHY

TEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with