'Team Binay' suportado ng transport sector sa Makati
MANILA, Philippines - Tiniyak ng pangulo ng Unified Transport Federation of Makati (UTFM), na kumakatawan sa mga pinuno ng 36 asosasyon ng mga jeepney operators and drivers sa lungsod na buo ang kanilang suporta sa kandidatura ni mayoralty bet Jejomar Erwin Binay Jr at kanyang mga kasama sa tiket.
Ang paniniyak ay ginawa ni Nerio “Bong“ Duka, UTFM president, kasabay ng kanyang pagbisita sa opisina ni Binay upang pabulaanan na ang karamihan sa sektor ng transportasyon sa siyudad ay sumusuporta kay Vice Mayor Ernesto Mercado. Sinabi niyang ang majority ng transport group sa Makati ay sumusuporta kay Binay.
Ani Duka kasinungalingan ang nalathalang pahayag ni Orlando Marquez, pangulo ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA), na nagsabing 80-90 percent ng jeepney and tricycle drivers and operators ng Makati ay sumusuporta kay Mercado.
Pinabulaanan din ni Duka na pinabayaan ng Binay administration ang isyu na ipinaalam ng local transport sector tungkol sa implementasyon ng Traffic Code.
Lagi umanong bukas si Binay sa mga dayalogo at sa mga pangangailangan ng mga transport sector.
- Latest
- Trending