Genuino liyamado kaya sinisira
MANILA, Philippines - Lamang na lamang sa kanyang mga kalaban sa mayoral race sa Los Baños, Laguna si Anthony “Ton” Genuino kaya pinupukol siya ng kung anu-anong isyu para ma-disqualify sa halalan sa Mayo 10.
Si Genuino, anak ng butihing Pagcor Chairman Efraim Genuino, ay nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Los Baños. Ito’y dahil naman sa malinaw niyang plataporma na kailangang-kailangan ng mamamayan dito sa maunlad na bahagi ng Laguna.
Nakasaad sa plataporma ng batang Genuino ang pagpapatibay sa Los Baños ng serbisyong pangkalusugan, mga programang pangkabuhayan, karunungan at katahimikan para sa maayos na pamayanan.
Sa murang edad na 28, si Genuino ay maraming beses nang pinarangalan bilang mahusay na lider at negosyante. Ito ang mga kalidad na kailangan para lalo pang umasenso ang Los Baños.
Dahil sa kanyang maayos na plataporma, pilit siyang pinapa-disqualify ng kanyang mga kalaban.Kinukuwestiyon ang kanyang residente, gayung siya’y nakareshistro sa Los Baños gamit ang kanyang residence address na Trace College sa El Danda, Batong Malake sa pamamahala ni Bgy. Chairman Nilo Lapiz.
- Latest
- Trending