^

Bansa

SBMA officials kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Nagharap ang Subic locator and cargo handling operator Amerasia International Services, Inc. (Amerasia) ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at sa private sector partner nito na Harbour Centre Port Terminal, Inc. (HCPTI) dahil sa umano’y pagselyo ng isang maanomalyang deal na magmomonopolisa sa Subic ports.

Ang SBMA-HCPTI contract na tinutulan ng lahat ng Subic locators na may kinalaman sa cargo handling business ay nakatakdang igawad sa HCPTI bilang proponent ng ‘unchallenged’ proposal matapos mapaso ang Swiss challenge window na 40 days noong nakaraang linggo. Walang ibang kumpanya na nagsumite ng counter proposal dahil naniniwala ang mga Subic operators na ang kondisyon para lumahok ay hindi makatuwiran.

Sa joint complaint affidavit ng Amerasia na nilagdaan ng presidente at chairman nitong sina Mario Lorenzo A. Yapjoco at George G. Schulze, Jr., ayon sa pagkakasunod, ang mga opisyal ng SBMA at HCPTI ay inakusahan ng “perpetrating, in conspiracy with each other” ng krimeng nakasaad sa Anti-Graft and Cor­rupt Practices Act, gayundin sa krimeng nasa ilalim ng Article 186 of the Revised Penal Code on monopolies and restraint of trade.   

Batay sa affidavit, ang A­me­rasia ay napili­tang magsampa ng kaso makara­ang pumasok ang SBMA noong February 24, 2010, sa isang joint venture agreement sa HCPTI kung saan ang huli ay “ekslusibong binigyan ng SBMA ng monopolya sa lahat ng operasyon” (development, management at operation) sa lahat ng “existing usable wharves and ports” na matatagpuan sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang reklamo ay naglalaman ng factual evidence na ayon kay Ventura ay nagpapakita ng “partiality, evident bad faith, at gross negligence” ng SBMA sa pag-aapruba sa kontrata.

vuukle comment

AMERASIA

AMERASIA INTERNATIONAL SERVICES

ANTI-GRAFT AND COR

GEORGE G

HARBOUR CENTRE PORT TERMINAL

MARIO LORENZO A

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRACTICES ACT

REVISED PENAL CODE

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with