MANILA, Philippines - Pinuri ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte ang proyekto ng Bureau of Immigration (BI) upang mapadali ang pag po-proseso ng visa ng mga dayuhan na umanoy isang madaling paraan upang patuloy silang manatili sa bansa para magnegosyo at magbakasyon.
Sa talumpati ni Belmonte sa inauguration ng BI satellite office sa QC kahapon, sinabi nito na ang pamunuan ni Commissioner Marcelino Libanan ay matagumpay sa pagpapatupad ng decentralized operation mula sa main office nito sa Intramuros Maynila hanggang sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kung saan maraming dayuhan ang nakatira.
Sinabi pa ng Alkalde na ang repormang pinatutupad ni Libanan sa BI tulad ng pagpapaiksi sa oras ng pagpoproseso at documentary requirements ng mga dayuhan upang makapasok sa Pilipinas ay mapahaba ang pagpapanatili nila dito ay malaking impact hindi lamang sa mga dayuhan at ang mas mahalaga umano ay napapaganda nito ang imahe ng bansa bilang tourists at investors friendly country.
Sa nasabing reporma umano ay mas madali sa mga dayuhan na makapag proseso ng kanilang mga dokumento na nagreresulta sa mas mataas na kita ng gobyerno dahil sa visa fees.