^

Bansa

SB pinuri ang BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinuri ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte ang proyekto ng Bureau of Immigration (BI) u­pang mapadali ang pag po-proseso ng visa ng mga dayuhan na umanoy isang madaling paraan upang patuloy silang manatili sa bansa para magnegosyo at magbakasyon.

Sa talumpati ni Belmonte sa inauguration ng BI satellite office sa QC kahapon, sinabi nito na ang pamunuan ni Commissioner Marcelino Libanan ay matagumpay sa pagpapatupad ng decentralized operation mula sa main office nito sa Intramuros Maynila hanggang sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa kung saan maraming dayuhan ang nakatira.

Sinabi pa ng Alkalde na ang repormang pinatutupad ni Libanan sa BI tulad ng pagpapaiksi sa oras ng pagpoproseso at documentary requirements ng mga dayuhan upang makapasok sa Pilipinas ay mapahaba ang pagpapanatili nila dito ay malaking impact hindi lamang sa mga dayuhan at ang mas mahalaga umano ay napapaganda nito ang imahe ng bansa bilang tourists at investors friendly country.

Sa nasabing reporma umano ay mas madali sa mga dayuhan na makapag proseso ng kanilang mga dokumento na nagreresulta sa mas mataas na kita ng gobyerno dahil sa visa fees.

ALKALDE

BELMONTE

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

INTRAMUROS MAYNILA

LIBANAN

METRO MANILA

PILIPINAS

PINURI

QUEZON CITY MAYOR SONNY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with