MANILA, Philippines - Bunsod ng pagsipa ni United Opposition (UNO) Vice presidential candidate Jejomar C. Binay handa naman ito sa mga ibabatong black propaganda sa kanyang mga kalaban sa pulitika. Ito ang sinabi ni Lito Anzures, spokesperson ni Binay kung saan inaasahan na nila ang iba’t ibang uri ng ‘wild tales’ na maaaring ipukol sa UNO bet. Ayon kay Anzures, alam nilang ito na ang panahon ng matinding batuhan ng putik, lalo na at malaking hamon ngayon si Binay laban sa nangungunang si Mar Roxas,” ani Anzures. Sinabi rin niya na ang kampo ni Binay ay “magpopokus sa kung ano ang dapat gawin, at ipaalam sa mga botante ang nararapat na maging next vice president matapos na lumabas sa pinakahuling Social Weather Station survey (SWS) na isinagawa noong Abril 16-19 kung saan umarangkada si Binay. Bagama’t alam nilang underdog sila sa labanang ito naniniwala pa rin sila sa mahusay na paghatol ng mga Pinoy.